Tuesday, July 23, 2019

Beaded Hello Kitty Wallet Tutorial in Tagalog

Beaded Hello Kitty purse Tutorial in Tagalog Nagkaroon ako ng pagkakataon na gumawa ng tutorial sa tagalog ng paggawa ng beaded na hello kitty wallet. Matagal na itong iminungkahi sa akin ng isa sa mga subscribers ko kaya natutuwa akong maipaalam sa inyo na meron na ako nito sa Youtube. Sana ay maraming matuto sa tutorial na ito at masiyahan ang lahat sa paggawa nito. Narito ang ilang larawan na aking nakuha ukol dito. Ito ay 3 inches pataas at 4 inches pahalang. Ang mga ginamit na materyales sa paggawa nito ay Acrylic Rough Beads na 6mm at Nylon monoline string na 050mm. Ikalawang disenyo ang wallet na ito at mas malaki siya kumpara sa ginamit ko sa aking unang tutorial. Nakuha ko ang ideya sa paggawa nito mula sa pinsan ko na nagpagawa nito sa akin sa tulong ng isang larawan. Kadalasan pinag-aaralan ko munang mabuti ang paggawa nito bago ko ito gawan ng tutorial gaya ng ibang mga nagawa ko na. Sana ay maudyok kayo na gumawa rin nito dahil isang uri ito ng pangkabuhayan na maaari ninyong gawin habang kayo at gumagawa sa loob ng bahay. Karagdagang kita rin ito para sa mga tao na gustong magkaroon ng maliit na negosyo.

No comments:

Post a Comment